Thursday, March 29, 2007

Ang Araw ng Pagtatapos ay simbolo ng "Bagong Simula" sa iyong buhay. Bagama't pansamantalang mahihiwalay ka sa iyong mga kaibigan, mga guro at ang institusyong humubog sa'yo, sigurado namang mayroong mas kapana-panabik na hinaharap ang iyong matutunghayan. 'Di mo man lubos maisip kung bakit kailangan lahat matapos, may mga 'di kanais-nais ngunit karamihan nama'y masasayang alaala na dapat na iyong tangan-tangan sa pagharap sa bagong bukas. Ngayon at humaharap ka sa isa na namang bagong hamon ng iyong buhay, 'di mo maiwasang isipin ang nakaraan na sana'y iyong mas pinahalagahan pa. Nawa'y sa ating tuluyang paglisan sa ating nakaraan ay mas maiguhit natin ng maganda ang hinaharap na ating tinatamasa!

No comments: