Friday, March 30, 2007

SA SANDALING AKO'Y YUMAMAN

SA SANDALING AKO'Y YUMAMAN, bukod sa pagtulong sa mga taong nais kong tulungan (lalo na ang ating mga kapatid na lubos na nangangailangan) ay nais ko rin gawin ang mga sumusunod:

*Magkaroon ng mga magagarang kotse (Porsche 9-11, Mazda Miata at McLaren F1)

*Sumakay sa F22 Raptor (Karamihan kasi gusto sumakay sa Space Shuttle, kaya Jet Plane na lang pinili ko)

*Magmay-ari ng isang Submersible (Gusto kong sisirin ang Philippine at Marianas Trench)

*Pondohan ang isang makabuluhang pananaliksik upang ma-discubre ang "Universal Cure for Cancer" (Mukhang imposible, ngunit 'di naman masama mangarap, lalo na kung ito'y makakabuti sa sangkatauhan)

*Mamili sa pinakamalaking "mall" sa buong mundo (Kung tama ang aking pagkakatanda, ito ay nasa Edmonton, Canada)

*Magkaroon ng sariling "State-of-the-Art Theatre Room"

*Lumibot sa buong mundo (Umakyat ng Mt.Everest at magkaroon ng larawan kasama ang Pyramids of Giza, Banaue Rice Terraces, Mayan and Aztec Pyramids, Great Wall of China at iba pang magagandang tanawin)

*Makakita at makakilala ng isang totoong Shaolin Monk sa China

*Lumangoy kasama ang mga "dolphins" at iba pang mga nilikha sa karagatan

*Pondohan ang pagpapatayo ng tatlong bagong Gusali sa PLM (papangalanan ko itong Gusaling Luzon, Gusaling Visayas at Gusaling Mindanao) -- O kahit anong pangalan basta 'wag lang ipangalan sa mga dating mayor ng Maynila (hehe)!

Ito ay mga pangarap lamang. Ngunit 'di ko pa rin ipagpapalit ang kalusugan at kasiyahan ng aking pamilya sa lahat ng salapi at kayamanan sa buong mundo. Tska nga pala ito ay makakamit ko lamang kapag "filthy rich" na ako! HAHA (tska pwede pa rin 'tong mabawasan at madagdagan ayon sa aking ninanais)

No comments: